Click Here For Free Blog Templates!!!
Blogaholic Designs

Thursday, May 24, 2012

Bakit nga kaya di nalang mag-imprenta ng maraming Pera?


Bakit nga ba?

  Noong bata pa ako lagi kong tinatanong sa aking sarili kung bakit nga kaya di nalang gumawa ng maraming pera ang pilipinas ng sa gayon ay mabili na ng bawat tao ang gusto nilang bilhin.
Naglalaro kami dati ng mga kalaro ko ng pera perahan at ang ginagawa naming pera ay mga balat ng kendi, flat tops pa nuon ang pinakamahal na kendi at dahil konti lang ang nakakabili nito ang balat nun ay katumbas ng isandaang piso.
Noong medyo nagkaisip na ako, naitatanong ko pa din yun pero naihalintulad ko yung pera perahan sa reyalidad, kapag kaunti malaki ang halaga nito pero kung madami palang pera ano na ang silbi nito?
At malamang mahal din ang mga bilihin.
Ano kaya kung ang gobyerno ng pilipinas ay magbibigay ng isang bag na puno ng pera sa bawat pinoy, pagpalagay nating isang milyon sa bawat indibidwal, ano kayang gagawin nila? Siguro yung iba itatabi, yung iba ibabayad sa utang, yung iba ibibili ng kanilang luho. Ako ang una kong gagawin bibili ako ng mamahaling gadgets, pero siguro di lang ako ang makakaisip na bumili nun kaya naman lalaki ang demand nito at ano ang gagawin ng tindahan ng gadget? Tataasan nila ang presyo ng kanilang produkto, di lang siguro ang tindahan ng mga gadget ang gagawa nun. Ano ang mangyayari, dahil sa kalabisan ng kabuuang demand nagbabago ang mga presyo ng produkto at magkakaron ng structural inflation - implasyon na hindi dahil sa kakulangan ng produkto kundi dahil sa dami ng "available" na salapi at budget. 
Masyado akong nainspire sa isyung ito kaya naman nag-research ako tungkol dito. May nabasa ako sa isang forum ang sabi pag mas maraming pera na nagsi-circulate, DEFLATION ang mangyayari. kaya pinaiiral ang monetary policy ng bangko sentral para hindi mangyari iyan. Pag may deflation, mas magmamahal lalo ang mga bilihin.
Ang pag-imprenta ng maraming pera tulad ng BORROWING ay isang form ng DEFICIT FINANCING to create AGGREGATE DEMAND. ibig sabihin, pag maraming pera ang tao, there will be more spending. and more spending is supposed to stimulate economic activity tulad ng nabanggit ko sa itaas, magkakaron din ng kalabisang demand. 
Sa aking pagre-research may nalaman ako tungkol sa kasaysayan ng KWARTA.
Kasaysayan ng Kwarta
Gaya ng sinambang mga anito ng primitibong panahon na gawa-gawa lang naman ng mga tribo, gawa-gawa rin ng tao ang kwarta na ngayon ay pinapanginoon ng modernong lipunan.
Noong unang panahon, limitadong-limitado pa ang produksyon ng lipunan. Wala pang gaanong produktong ipinagpapalit ang tao sa isa't isa. Kaya't walang namamagitang pera sa kanilang mga relasyon.
Nagpapalitan ng produkto ang mga tao sa sinaunang lipunan. Pero simpleng dinadala lang ito sa palengke at sila'y direktang nagpapalitan ng produkto (barter system). Nagkakasundo sila kung magkatumbas ng "halaga" ang isang kalakal sa isang kalakal. Halimbawa, ang isang palayok sa dalawang manok. Ang tatlong kaing na prutas sa isang pirasong palakol.
Nang umunlad ang produksyon ng lipunan, dumami ang samu't saring produktong ipinagpapalit. Nagkaroon ng isang bagay na ginawang unibersal na pamalit (universal equivalent) o sukatan ng halaga (measure of value) ng iba't ibang bagay. Sa ganitong kalagayan lumitaw ang pangangailangan sa "salapi" para mapadali ang palitan ng mga kalakal sa lipunan.
Sa simula, mga hayup na gaya ng baka ang ginawang istandard sa palitan. Pero dahil impraktikal, pinalitan ito ng mga metal na gaya ng ginto at pilak. Dito nagsimulang umunlad ang konsepto ng "salapi" hanggang sa umunlad sa anyo ng perang papel, tseke sa banko, credit card, atbp.
Sa sistemang barter ng sinaunang lipunan, personal na nagkakaharap at nag-uugnayan ang direktang mga prodyuser. Ang taong gumawa ng palayok at ang taong nag-alaga ng manok. Ang namitas ng prutas at ang nagpanday ng palakol. Direktang nag-uugnayan ang mga tao bilang mga prodyuser ng kanya-kanyang produkto.
Pero nang maimbento ang salapi, nagsimulang pumagitna ang "bagay" na ito sa direktang relasyon ng mga tao sa lipunan. Nang mangibabaw ang sistema ng produksyong hindi para sa sariling konsumo kundi para sa merkado (commodity production) nalubos rin ang kapangyarihan ng salapi sa lipunan. Tinakpan ng salapi ang relasyon ng mga tao. Nagtago sa likod ng relasyon sa salapi ang mga relasyon ng tao sa lipunan.
Mula nang halos lahat na ng bagay sa lipunan ay binibili at ipinagbibili, naging lubos ang paghahari ng salapi sa relasyon ng tao. Hanggang sa ito ang maging panginoon sa relasyon ng mga tao sa modernong lipunan.
Kung kailan milyong klase ng produkto ang nagagawa na ng tao para tugunan ang kanyang samu't saring pangangailangan, saka naman parang iisang bagay na lang sa mundo ang kanyang kailangan -- kwarta. Ang kwarta ay hindi nakakain, naisusuot o natitirhan. Pero sa pamamagitan ng kwarta, magkakaroon ka ng pagkain, damit, bahay at anupamang kalakal na kailangan para mabuhay at guminhawa.
Kung sobra ang iyong kwarta, masusunod ang iyong luho sa katawan. Kung wala kang kwarta, kahit bumabaha ang mga produkto, mamumuhay ka na parang daga sa imburnal.


Sana hindi na nauso ang pera hehe, pero iba na ang panahon ika nga nag evolve na, napakahalaga ng pera sa pamumuhay ng tao. Eh paano kung dalhin mo ang pera sa kagubatan? Wala itong saysay, ah meron din pala pwede itong paningas ng apoy o di kaya pamunas ng dumi. May silibi lang ito sa isang kalagayang may ipinagbibiling kalakal. Dito sa lupa, ang salapi ay isang kapangyarihang naklublob sa bawat tao. Mistulang Diyos na sinasamba sa lipunan. Animo'y siyang nagpapagalaw ng mundo. Sa ating lipunan, libre ang huminga ng hangin pwera na lang kung ikaw ay nasa ospital at naghihingalo. Libre rin ang magpainit sa sikat ng araw pwera na lang kung ikaw ay nasa pribadong resort. Sa ating lipunan, lahat halos ay binibili at binibenta. Sa ganitong lipunan, kung wala kang pera, kahit ang daming pagkain sa palengke, ikaw ay magugutom. Kung wala kang pera, wala kang pambili. Kung wala kang ipinagbibili, wala kang pera. Kaparis ng sistema ng sahurang-paggawa, ang tanong ay natural bang ganito ang lipunan: Ang diktahan ang buhay ng tao ng kapangyarihan ng pera?
Paano kaya kung malaos ang pera? Anong gagawin sa mga naimprentang pera? Siguro ippamunas nalang sa dumi at ipangniningas ng apoy.


3 comments:

Anonymous said...

i dont think so that deflation will lead to increase of price. That would be INFLATION.

Anonymous said...

Manuel roxas

Anonymous said...

Hay naku.